Ex-spokesman ng Pasang Masda itinumba

MANILA, Philippines – Patay sa pananambang ang dating tagapagsalita ng transport group sa Quezon City kagabi.

Nakilala ang biktimang si Rogel Fernandez, 47, dating national coordinator at tagapagsalita ng Pasang Masda,

Nagmamaneho ng kanyang Mitsubishi Montero si Fernandez nang pagbabarilin siya ng dalawang armadong lalaki sa bahagi ng Regalado Avenue bandang alas-7 ng gabi.

Ayon sa mga awtoridad may dalawa pang lookouts na kasabwat upang matiyak na patay si Fernandez.

Inaalam pa rin ang motibo sa pagpaslang sa biktima.

Show comments