2 vintage bomb nahukay
MANILA, Philippines – Hindi inaasahang mahukay ng backhoe ang dalawang vintage bomb sa isang drainage na kanilang nililinis, kahapon ng madaling-araw sa panulukan ng San Andres St. at Roxas Boulevard, Maynila.
Sa report ng Manila Police-District-Police Station 9, sinabi ni Chief Insp. Romeo Salvador, deputy commander na dakong alas-3:30 ng madaling araw ng aksidenteng matamaan ng backhoe operator na si Kim Calderon, ng AKA Construction Company ang dalawang vintage bomb.
Umaabot na sa dalawang metro ang lalim ng umano’y nahuhukay ni Calderon nang mapansin ang matigas na bagay sa hinuhukay na lupa.
Tinignan niya ito at nagulat ang makitang dalawang vintage bomb na may habang tig-isang metro ang kanyang nahukay.
Kinuha naman ng mga tauhan ng MPD-Explosive and Ordnance Division (EOD), ang dalawang vintage bomb para sa kustodiya.
- Latest