Rider lasog sa bus

MANILA, Philippines - Isang  motorcycle rider ang nasawi  matapos masagasaan ng isang pampasaherong bus sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa Parañaque City, kahapon ng umaga.

Halos inabot ng dalawang oras bago tuluyang naialis sa kalsada ang bangkay ng biktima na nakilalang si Rodel Daranday, at naninirahan sa Aragon Compound, Brgy. San Nicolas, Bacoor Cavite sanhi ng pinsalang tinamo sa ulo at katawan.

Dahil dito, matinding trapik naman ang naging dulot sa  sa ilang bahagi ng Roxas Boulevard.

Agad namang sumuko ang driver ng 7 Sky Express Liner na may plakang TYM-816 na si Alberto Abadayo, 45,  ng Pasig City matapos ang insidente.

Ayon sa pagsisiyasat ni SPO1 Reynaldo Serapina ng Parañaque City Traffic Bureau, naganap ang insi­dente alas-6:30 ng umaga  sa kahabaan ng NAIA Road, panulukan ng  Roxas Boule­vard. Brgy. Tambo nang nasabing lungsod.

Base sa nakalap na impormasyon kay MMDA Traffic Constable Napoleon Reyes, nakita nitong pakanan sa NAIA Road ang naturang aircon bus nang  aksidenteng nadulas at sumemplang naman ang minamanehong motorsiklo (1513-PX) ng biktima na dumaan umano sa gutter.   

Sa pagkakatumba ng motor­siklo ng biktima ay nagulungan ito ng naturang bus na naging sanhi ng agarang nitong kamatayan.

Show comments