Parak nalansi inmate na may cancer, tumakas

MANILA, Philippines – Ang bukol o breast cancer ang  ginawang dahilan ng isang babaeng preso upang makatakas sa Manila Police District-Binondo Police Station 11, kahapon ng umaga

Ayon kay MPD-Station 11 commander Supt.  Robert Domingo,  alas- 6:20 ng umaga kahapon nang makatakas  si Lea Cuyugan, Area 1 Bliss Project, San Gregorio St., Tondo sa pangangalaga ni  PO1 Danilo  Flores.

Lumilitaw sa ulat na nakatawag pansin kay Flores ang iniindang breast cancer ni Cuyugan, kaya’t dali-dali naman nitong inilabas ng jail  at saka umano ito bumaba para tumawag ng taxi at maisugod sa pagamutan. Inakala umano ni  Flores na hindi makahinga si Cuyugan  bukod pa sa ipinakita nitong medical certificate sa kanyang breast cancer.

Subalit habang nag-aabang ng taxi ay biglang sumalisi si Cuyugan na hindi naman namalayan ni Flores. Napag-alaman sa rekord ng pulisya, na  nahuli si Cuyugan nitong nakaraang Oktubre 17 matapos mahulihan ng  shabu. Nakatakda din sanang ilipat ito sa Manila City Jail alinsunod sa  commitment order.

Show comments