2 bata patay sa sunog

MANILA, Philippines - Natusta ang magkapatid na bata matapos na makulong sa loob ng kanilang bahay na nasusunog kahapon ng umaga sa Brgy. Kalawaan, Pasig City.

Kinilala ang mga biktima na sina Arlene Alvarez de la Cruz, 5; at Richie Anne Alvarez de la Cruz, 4, kapwa nakatira sa na­sabing barangay.

Sa ulat ng Pasig City Fire Marshal, naitala ang sunog dakong alas-8:40 ng umaga kung saan naiwan ang dalawang bata sa kanilang bahay. Nabigo naman ang mga kapitbahay na maisalba ang magkapatid dahil nababalutan na ng apoy ang buong kabahayan.

Naapula ang sunog matapos ru­mesponde ang mga bumbero kung saan narekober ang bangkay ng mag-utol na halos hindi na ma­kilala. (Joy Cantos)

 

Show comments