Ginang nag-suicide dahil sa kahirapan

MANILA, Philippines - Dahil naman sa matinding kahirapan at labis na pag-aalala kung paano niyang bubuhayin ang limang anak kaya nito naisipang magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa creek sa Binondo, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Patay na nang matagpuang lumulutang sa maburak na creek, sa Regina Regente, Binondo, Maynila ang biktimang si Cyra  Jacob, sa Valderrama  St., Delpan, Binondo dakong alas-3:00 ng hapon, kamakalawa.

Sa ulat ni SPO2 Jonathan Bautista ng MPD-Homicide Section, ang biktima ay huling nakitang buhay bandang alas-3:00 ng madaling-araw habang pinupunasan ang maruming katawan ng mga anak. Mismong ang  kapatid na babae ng biktima na si Cyril, 21, ang nakakita  sa lumutang nitong bangkay.

Naniniwala naman ang iba pang kapatid na nagpakamatay ang biktima dahil bata pa lamang ay sinubukan na nitong maglaslas ng pulso nang pigilan na makipagnobyo.

Pinoproblema ng biktima ang paghahanap ng pera dahil madalas malipasan ng gutom ang mga anak dahil pedicab driver lamang ang hanapbuhay ng kanyang kinakasama.

Show comments