Dalagita kritikal sa saksak ng kuya

MANILA, Philippines – Nasa kritikal na kondisyon ang isang 16-anyos na dalagita makaraang   saksakin ng kanyang kuya, kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Ginagamot sa Pagamutan Lungsod ng Malabon sanhi ng saksak sa katawan ang biktimang itinago sa pangalang Liza,  16, Sanciangco St., Brgy. Catmon ng naturang  lungsod.

Nasa kustodya naman ng Malabon City Police ang suspek na si  Jovel Toledo, 22, nakatira sa nasabing lugar.

Nabatid kay Inspector Rosalitt Avila, hepe ng Women and Children Protection Desk ng Malabon City Police, naganap ang insidente alas-11:00 gabi sa loob ng bahay ng magkapatid sa naturang lugar.

Nabatid na inutusan  ng biktima ang kanyang  kuya na tanggalin ang kordon ng kanilang rice cooker na ikinagalit naman ng huli dahilan upang magwala ito. Umawat pa ang kanilang ina subalit hindi tumigil sa pagwawala ang suspect na kumuha pa ng patalim at itinarak sa kapatid.

Show comments