‘Tulak’ timbog sa buy bust

MANILA, Philippines - Kalaboso ang isang lalaki matapos makumpiskahan  ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa Malabon City kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni P/Chief Insp. Carlos Dilag, ng Malabon City Police  ang nadakip na si Fernando Quezon, alyas Nanding Nguso, 44-anyos, ng Barangay Bayan-Bayanan ng na­sabing lungsod.

 Base sa imbestigasyon ni SP01 Redentor Mantala Jr., nakatanggap ng impormasyon ang mga pulis na nagbebenta ng shabu ang naturang suspek,  na naging dahilan upang ikasa ang buy bust operation  bandang alas-4:00 ng hapon sa nasabing lugar.

Nabatid, na nang aktong iaabot na ng suspek ang isang sachet ng shabu sa isang alagad ng batas   na nagpanggap na  poseur-buyer ay agad naglapitan ang iba pang pulis at inaresto si Quezon.

Nang kapkapan ay nakuhanan pa ng isang sachet ng shabu ang suspek. (Lordeth Bonilla)

Show comments