^

Metro

UP Diliman binulabog ng bomb threat

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines  – Pansamantalang naantala ang klase at trabaho sa University of the Philippines  sa Diliman, Quezon City kaninang umaga matapos makatanggap ng bomb threat ang isang estudyante.

Ayon sa ulat sa Quezon City Police District bandang 7:50 ng umaga natanggap ni UP Diliman Student Council chairman Jett Padernal ang text message na may sasabog na bomba sa isang gusali ng pamantasan.

"Mag-ingat sa bomb sa gusaling 'Virata.' Oras na lang  ang binibilang. Walang ligtas estudyante man o guro," nakasaad sa mensahe.

Kaagad ipinaalam ni Padernal ang impormasyon sa kinauukulan ng Cesar E.A. Virata School of Business (VSB), na sila namang tumawag sa pulisya.

Makalipas ang halos isang oras ay dumating ang mga tauhan ng QCPD explosive and ordnance division at hinalughog ang lugar.

Umabot ng 30 minuto ang operasyon ng mga awtoridad bago idineklarang ligtas ang lugar.

Nitong Biyernes ay isang bomb threat din ang nanggulo sa World Citi Colleges sa Aurora Boulevard sa Quezon City at sa huli ay wala rin natagpuang bomba.

AURORA BOULEVARD

CESAR E

DILIMAN STUDENT COUNCIL

JETT PADERNAL

NITONG BIYERNES

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

VIRATA SCHOOL OF BUSINESS

WORLD CITI COLLEGES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with