Porter pinabulagta

MANILA, Philippines – Pinabulagta ang 23-anyos na porter makaraang hatawin sa ulo ng hindi kilalang lalaki sa harap ng kanyang bahay sa Quezon City, kamakalawa ng gabi. Ayon kay PO2 Roldan Cornejo, nakilala ang biktima na si John Rey Mendoza, may-asawa, ng #290 Kaunlaran Extension, Barangay Batasan Hills sa nasabing lungsod. Napag-alamang nagkaroon ng komosyon bago mapatay ang biktima kung saan naisugod pa ito sa East Avenue Medical Center subalit idineklarang patay ni Dr. Joseph Janus Sarabia habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments