3 ‘tulak’ timbog

MANILA, Philippines - Arestado ang tatlong  kalalakihan na hinihinalang ‘tulak’ ng droga sa magkakahiwalay ng buy-bust operation, kahapon sa Makati City.

Nakakulong ngayon sa Makati City Police detention cell ang mga suspek na sina Michael Corro, 42; Edilberto Manalac, alyas Junjun, 27, construction worker, ng J.B. Roxas St., ng nabanggit na barangay at Arsenio Perenia, 49.

Ayon sa report na natanggap ng Makati City Police Complaint Desk, unang na­dakip sina Corro at Manalac, alas-5:00 ng hapon  sa Pateros St., Brgy. Olympia sa isang buy-bust operation na isinagawa ng Station Anti-Illegal Drugs Special Task Force (SAID-SOTF) ng Makati City Police.

Alas-12:45 kahapon ng madaling-araw ay naglunsad din ng buy-bust operation ang naturang operatiba sa Bernardino St., Laperal Compound, Brgy. Guadalupe Viejo matapos silang makatanggap ng reklamo na talamak din ang bentahan ng droga sa naturang lugar.

Nagresulta ito ng pagkakadakip kay  Perenia. Ang tatlong suspek na nadakip ay sinampahan na ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Anti-Dangerous Drug Act). (Lordeth Bonilla)

 

Show comments