^

Metro

‘Batang Hamog’, nagkalat sa Caloocan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inatasan ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan ang Caloocan City Police at ang Department of Public Safety and Traffic Management (DPSTM)­ na magsagawa ng maigting na operasyon para malinis ang lungsod sa mga batang lansangan makaraang maalarma sa pagdami ng bilang ng mga ito sa lungsod.

Ito ay kasunod ng ulat ni Caloocan Police Deputy Chief, Supt Ferdinand Del Rosario kay Malapitan na dumarami ang mga batang hamog, na nasasangkot sa mga krimen at pakalat-kalat sa Rizal Ave., Bonifacio Ave., at bahagi ng EDSA Balin­tawak, Caloocan side.

Kasunod nito, nagsagawa kaagad ang CSWD ng ope­rasyon sa Rizal Avenue na nagresulta sa pagkaka­dampot ng 14 na mga bata na pawang sumisinghot ng solvent.

Itinuro ng mga bata ang kanilang supplier ng solvent ngunit hindi na naaresto ang mga ito nang agad na makatakas sa ikinasang follow-up operation.

Idinagdag pa ni del Rosario na dahil sa menor-de-edad ang mga ito, hindi sila maaaring pigilan ng pulis sa presinto ng matagal, kayat hindi sila natututo ng leksion na hindi dapat sila masa­sangkot sa krimen.

Sa kabila nito, ipinag-utos ni Malapitan na kupkupin ang mga batang lansangan sa kanilang holding area sa Yakap Holding Center at Tahanang Mapagpala, hanapin ang mga magulang ng mga ito at turuan ng leksyon para pangalagaan ang kanilang mga anak.

Sa kabila ng karaniwang problema na pabalik-balik ang mga bata sa lan­sangan kahit nahuhuli, iginiit ni Malapitan sa pulisya, DPSTM at CSWD na tuluy-tuloy lang sa panghuhuli dahil sa responsibilidad nila ang kaligtasan ng mga paslit.

Bukod sa pagsinghot ng solvent sa kalsada, ang mga batang hamog rin ang itinuturo ngayon na sangkot sa mga insidente ng nakawan, snatching, at iba pang insidente sa lungsod. (Danilo Garcia)

 

BONIFACIO AVE

CALOOCAN CITY MAYOR OSCAR MALAPITAN

CALOOCAN CITY POLICE

CALOOCAN POLICE DEPUTY CHIEF

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF PUBLIC SAFETY AND TRAFFIC MANAGEMENT

MALAPITAN

RIZAL AVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with