P15-M shabu nasabat sa Maynila

MANILA, Philippines – Nasa tatlong kilo ng hinihinalang shabu ang nabawi mula sa isang babae sa lungsod ng Maynila kagabi.

Nasakote ang suspek na si Sheila Somar na may dalang P15 milyong halaga ng ilegal na droga sa loob ng kanyang sasakyan.

Nadiskubre ang dalang shabu ni Somar matapos makatanggap ng tip ang mga awtoridad na may isang sasakyan umano ang na-hijacked ng dalawang pulis.

Nagkataon namang nakaparada ang sasakyan ni Somar sa kalye ng Agoncillo sa Malate, Maynila bandang 11:45  kagabi.

Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek habang inihahanda ang isasampang kaso laban sa kanya.

Show comments