^

Metro

Kawani ng SC, biktima ng riding criminals

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nabiktima ng mga kilabot na holdaper na naka-motorsiklo ang isang empleyada ng Korte Suprema at kaibigan nito habang naglalakad sa may Pasay City, kamakalawa ng gabi.

Dumulog sa Station Investigation and De­tective Management Branch ng Pasay City Police ang mga biktimang sina Ana Margie De Vera, 38, isang Executive Assistant sa Korte Suprema, ng Malolos City, Bulacan.

Sa ulat, naglalakad si De Vera at kaibigan na si Lorenzo Abando, Jr. sa may Fresno Street, Pasay dakong alas-10 ng gabi nang huminto sa tapat nila ang isang motorsiklo lulan ang dalawang lalaki na kapwa nakasuot ng helmet.

Agad na tinutukan ng baril ng isa sa mga salarin ang dalawa at hinablot ang bag ni de Vera na naglalaman ng P3,500 cash, ATM card, at iba pang mga dokumento.

Nagpaputok pa ng baril sa ere ang mga salarin bago tumakas ang mga ito. Hindi na rin nakuha ng mga biktima ang plaka ng motorsiklo dahil sa takot. 

vuukle comment

ANA MARGIE DE VERA

DE VERA

EXECUTIVE ASSISTANT

FRESNO STREET

KORTE SUPREMA

LORENZO ABANDO

MALOLOS CITY

MANAGEMENT BRANCH

PASAY CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with