Kelot tinaniman ng 6 na bala sa ulo
MANILA, Philippines – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hindi pa nakikilalang suspek ang isang 32-anyos na lalaki, kahapon ng umaga sa Quiapo, Manila.
Dead-on-the-spot si Kadafi Macmod, tricycle driver ng Globo de Oro St., Quiapo matapos na anim na ulit na paulanan ng bala ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa panulukan ng Arlegui at Elizondo Sts., sa Quiapo.
Batay sa imbestigasyon ni Det. Rommel del Rosario ng MPD-Homicide Section, dakong alas-10:00 ng umaga kahapon nang makarinig nang sunud-sunod na putok ng baril at saka nakitang bumulagta na ang biktima sa naturang lugar.
Hinala ng pulisya na away pa sa Mindanao ang motibo ng pagpatay at dito sa Maynila nag-krus ang landas ng dalawa.
Dagdag pa ng pulisya, matindi ang galit ng suspek, dahil inubos nito ang bala ng 22 caliber sa mukha at sa ulo ni Macmod.
- Latest