Patuloy na suporta sa 296 dialysis patient tiniyak

MANILA, Philippines – Tiniyak ni Manila Vice Mayor Isko Moreno ang patu­loy na suporta sa may 296 dialysis patient sa Maynila.

Ang paniniyak ay ginawa ni Moreno sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan sa San Andres Sports Complex kung saan  nagkaroon  ng  maikling programa at pagbibigay ng  mga goodies sa mga pasyente at kasama nito  noong Sabado.

Ayon kay Moreno, mahirap para sa pamilya lalo na sa mga dialysis patients ang  kanila ngayong nararanasan subalit gumagaan ito  dahil na rin sa suporta ng  lungsod ng Maynila.

Ito lamang  ang nakikita niyang  isa sa mga paraan upang maibsan ang sakit na kanilang nararamdaman. Sa katunayan umano ay may  bagong  mga dialysis machine na makakatulong upang mas maging madali ang  pagpapagamot ng mga pasyente.

Ang mga dialysis machine ay nasa Manila Dialysis Center sa Gat Andres Bonifacio Memorial and Medical Center.

“Never deprive someone of hope; it may be all they have,”  ani  Moreno.

Show comments