4-day work hindi solusyon sa trapiko – Manila dad

MANILA, Philippines - Inihayag ni  Manila 1st District  Councilor Ernesto Dionisio, Jr.,  na hindi  solusyon sa masikip na trapiko ang  4-day work na  nais na ipatupad  ng Civil  Service Commission (CSC) sa mga  government agencies.

Sinabi nito na mas dapat na pagtuunan ng pansin ng  Metro­politan Manila Development Authority (MMDA) ang paglilinis sa mga obstruction sa kalsada tulad na  rin ng mga vendor at mga ginagawang talyer na sumasakop na sa  kalye.

Giit ni  Dionisio, ang kalsada ay dapat lamang para sa mga sasakyan at walang  anumang mga harang  na makakaabala sa daloy ng mga sasakyan. Dumadagdag pa  aniya dito ang mga pagbubungkal ng mga kalsada ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at pagsasaayos ng mga  water concessionaire.

Ayon kay Dionisio,  mas dapat na  pairalin ng  pamahalaan  ang disiplina  sa halip na  pagpapatupad ng  4-day work kung saan posibleng masakripisyo ang  trabaho ng   mga empleyado.

Gayunman  ipinaliwanag ng konsehal  na nakasalalay pa rin kay Manila Mayor Joseph Estrada kung  ipatutupad ang  4-day work sa city hall subalit kailangan pa rin itong dumaan sa konseho ng  Maynila upang mapag-aralan kung may mga legal impediments.

Show comments