Gen. Albano, emosyonal sa turn-over

Emosyonal na nagpasalamat at nagpaalam si dating QCPD director Chief Supt. Richard Albano sa kanyang mga ta­­uhan sa isinagawang turn-over ceremony kahapon sa Camp Karingal­. Si Albano  ay pinalitan ni Senior Supt. Joel Pagdilao­. (Kuha ni Boy Santos)

MANILA, Philippines - Pormal nang pinalitan bilang District Director ng Quezon City Police si Chief Supt. Richard Albano ni Sr. Supt. Joel Pagdilao sa isang seremonya na ginanap sa Camp Karingal kahapon.

Sa kanyang huling ta­lumpati sa harap ng mga da­ting tauhan, madamda­ming nagpasalamat si Albano sa lahat maging sa miyembro ng media, concerned citizen, civic­ groups at mga ba­rangay na dumalo sa na­tur­ang okasyon.

Tinapos ni Albano ang kanyang talumpati sa pagtawag sa buong pamilya nito sa entablado upang sama-samang magpa­alam sa lahat bago ang pormal na sere­monya ng pagpapalit ng liderato.

Maraming naging accomplishment ang QCPD sa pamumuno ni Albano, kabilang ang pagkakaresolba sa pagpatay kay Isabela Maconacon mayor Erlinda Domingo, ang racer car driver­ na si Enzo Pastor at ang huli ay ang pagkakadakip sa pumatay sa nanay ng actress na si Cherry Pie Picache.

Ang humalili sa kanyang puwesto na si Pagdilao na naging kanyang  deputy dis­trict director at mistah sa PMA academy class 1984 ay nangako naman na ipagpapatuloy o paiigtingin pa ang naiwang programa ni Albano tulad ng ‘Oplan Lambat’.

Show comments