Tondo police station pinasabugan

MANILA, Philippines - Muling hinagisan ng granada ang himpilan ng pulisya sa Tondo sa Maynila kagabi.

Wala namang nasaktan sa pagsabog ngunit nasira ang isang bahagi ng kalsada sa kalye ng Capulong.

Hindi ito ang unang pagkakataon na pinasabugan ito.

Nitong Abril ay isang nakaparadang kotse at motor ang tinamaan ng pagsabog.

Inaalam pa rin ng mga awtoridad anv motibo sa likod ng insidente.

Show comments