LRT, MRT magbibigay ng libreng sakay sa mga senior citizen

File Photo

MANILA, Philippines - Sa kabila ng madalas na aberya sa biyahe dahil sa ilang despaling­hadong bagon, magbi­bigay ng libreng  sakay ngayong araw na ito, Oktubre 4  ang  Light Rail Transit  (LRT) at Metro Rail Transit (MRT)  para sa  mga  senior citizen dahil  sa paggunita ng Elderly Filipino Week.

Nabatid  kay LRTA Spokesperson,  Atty. Hernando Cabrera mula alas-5:00 ng umaga  hanggang alas-10:00 ng gabi ay naglaan sila  ng libreng sakay para sa mga senior citizens.

Para ma-avail ang libreng sakay ay ka­ilangan lamang ipakita nila ang kanilang senior citizen card.

Ipinagmalaki pa ng pamunuan ng LRTA na may bagong mga upu­ang  ikinabit sa LRT 2 kung kaya’t hindi mahihirapan ang mga senior­ citizen sa pagsakay.

Show comments