Call center agent, natagpuang patay

MANILA, Philippines – Iniimbestigahan ngayon ng pulisya ang pagkamatay ng isang 28-anyos na call center agent na natagpuang isa nang bangkay sa loob ng inuupahan nitong kuwarto sa Caloocan City, Lunes ng gabi.

Nag-uumpisa nang ma­agnas nang matagpuan ang bangkay ng biktima na si Norlan Mercado sa loob ng inuupahan nitong kuwarto sa Unit 10 Block 8 Lot 46 Gumamela Street, Metrocor Subidivision, Brgy. 177 Almar, Camarin,  ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Caloocan Police, nadiskubre dakong alas-6:30 ng gabi ng pulisya ang bangkay ni Mercado makaraang iulat ng boarder na si Elisa Renido ang masangsang na amoy na nagmumula sa kuwarto ng biktima.

Nang mabuksan ang kuwarto, nakita ang bangkay ni Mercado na nakahiga sa kama nito.  Nadiskubre na nagtamo ng iba’t ibang   saksak ng patalim sa katawan ang   biktima.

Bukod sa anggulong pag­nanakaw, inaalam rin ng pulisya kung posibeng kakilala o bisita ng biktima ang may kagagawan ng naturang krimen.

Show comments