P5M ari-arian tupok sa San Juan

MANILA, Philippines — Naging abo na lamang ang tinatayang P5 milyong halaga ng ari-arian matapos masunog ang isang furniture factory at warehouse sa lungsod ng San Juan ngayong Martes ng madaling araw.

Ayon sa isang ulat sa radyo, bandang ala-1 ng madaling araw nagsimula ang sunog sa loob ng SCT Furnishing Corporations sa kalye ng RJ Fernandez sakop ng Barangay Batis.

Madaling kumalat ang apoy dahil karamihan sa materyales ay highly flammable, dagdag ng ulat.

Wala namang naitalang nasugatan sa sunog na naapula bandang alas-5 ng umaga.

Inaalam pa rin ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog.

Show comments