Pader ng paaralan, gumuho

MANILA, Philippines - Nangangamba ngayon ang mga opisyales ng Baesa National High School  makaraang gumuho ang isang parte ng pader ng eskwe­lahan nitong nakaraang Bi­yernes kasabay  sa malakas na ulan.

Nabatid na gumuho ang pader na nagkokonekta sa Baesa National High School at Baesa Elementary School sa Brgy. 161, sa naturang lungsod sa kasagsagan ng bagyong Mario at habagat.

Nabagsakan naman ng pader ang silid-aralan ng grade 7 na nagkawasak-wasak ang salaming bintana.

Sinabi ni Principal Nimfa David na pansamantala namang ipinasama sa ibang klase ang mga estudyante na umookupa sa naapektuhang silid-aralan.

Ipinaalam na ng pamunuan ng paaralan ang insidente sa City Disaster and Risk Reduction Management Office at City Engineering Office. Nangangamba kasi ang mga opisyal ng paaralan na baka magtuluy-tuloy na ang pagbagsak ng iba pang parte ng pader at malagay sa pa­nganib ang kaligtasan ng mga mag-aaral.

Duda na rin si David sa pundasyon ng gusaling pampaaralan na maaaring humina na dahil sa matinding pagbabaha at paglambot ng lupa.

 

Show comments