Anda Circle, sinimulan nang alisin

MANILA, Philippines – Sinimulan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang proseso sa pag-aalis sa Anda Circle sa kanto ng Bonifacio Drive at Roxas Boulevard sa Maynila.

Ayon kay DPWH National Capital Regional (NCR) Director Reynaldo Tagudando, kumbinsido  sila na lu­luwag ang daloy ng trapik sa lugar lalo na sa bahaging papunta sa mga pantalan oras na matanggal ang monumento. Aprubado  umano ng Department of Tourism (DOT) at National Historical Commission ang pag-aalis sa Anda Circle at paglilipat nito sa Maestranza Park sa loob ng Intramuros, alinsunod na rin sa kanilang nilagdaang memorandum noong Enero 25, 2013.

Pag-aaralan naman kung kayang alisin ng buo ang monumento o kung hahati-hatiin ito.

Itinayo ang orihinal na monumento malapit sa Ilog Pasig noong 1871 bilang pasasalamat kay Gov. Gen. Simon de Anda sa paglaban nito sa British occupation. Iilipat ang  monument sa Maentranza sa  tabi ng  Ilog Pasig.

Show comments