Pulis pa, timbog sa droga
MANILA, Philippines - Isang aktibong pulis ang nadakip sa pagbibitbit umano ng iligal na droga habang sakay ng isang tricycle, sa San Miguel, Quiapo, Maynila, kamakalawa.
Narekober umano sa bulsa ni PO1 Liberato Cruz, 32, nakatalaga sa NCRPO, at residente ng Tondo, Maynila ang tinatayang 2.5 gramo ng shabu nang sitahin siya ng mga kabaro habang sakay sa isang tricycle.
Sa ulat ni SPO1 Alonzo Layugan, bukod kay Cruz, dalawa pang kasama nito na sina Rhovil Tiatco Jr., 22; at Jason Carreon, 29, tricycle driver ang dinakip din dakong alas-3:10 ng madaling-araw sa may panulukan ng C. Palanca at P. Casal Sts. San Miguel, Quiapo.
Sinabi ni Layugan na ang tricycle na kinalululanan ng mga suspek ay nagbeat ng red traffic light , kaya sila sinita ng mga awtoridad. Gayunman, kahit nagpakilala siyang pulis, narinig ng isa sa arresting officer na nag-uusap ang kasama nito at si Cruz .
“May narinig yung mga pulis na bakit mo ipinapasa sa akin yan” sabi umano ni Tatco kay Cruz kaya binusisi ng mga pulis ang hawak ni Cruz na nakumpirmang sachet ng iligal na droga.
- Latest