P300,000 pabuya sa killer ng abogado

MANILA, Philippines - Naglaan ng P300,000 pabuya ang pamilya at mga kaibigan ng yumaong si Atty. Clint Laudencia sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon upang mahuli ang pumatay sa kanya.

Noong Marso 26, 2014, Miyerkules, mga 10:00 ng umaga, si Atty. Laudencia ay binaril habang siya ay nakasakay sa kanyang kotse na silver chrome Honda Civic (2008) sa corner ng Begonia St. at New Panaderos St., Sta. Ana, Manila, ng isang lala­king nakasuot ng maskarang panyo at helmet. Ang salarin ay tumakas lulan ng pulang motorsiklo (tulad ng Honda Wave). Matapos ang nasa­bing pamamaril, isa pang lalaki ang sumakay sa bandang Sta. Ana, General Hospital sa nasabing motor­siklo na may plakang ‘For Registration’.

Si Atty. Laudencia, 54, ay isang Senior Tax Lawyer ng San Miguel Brewery, Inc., Law Professor sa Polytechnic University of the Philippines at Presidente ng Promoprint Corporation. Hindi pa alam ang dahilan ng pagpatay. Ang National Bureau of Investigation (NBI) at ang Manila Police ay nagsanib-pwersa upang ma­lutas ang karumal-dumal na krimeng ito at mabigyan ng katarungan ang maganda at mabuting buhay na maagang napatid.

Tips Hotline: Text: 0922-8411200;  Tawag: (02)941-5091

Tips Hotline: Text: Email: justiceforclint@yahoo.com

 

Show comments