Bonus sa mga kawani ng QC Hall sa ika-75th anibersaryo

MANILA, Philippines – Tatanggap ng bonus ang mga kawani ng QC Hall sa ika-75th anniversary  sa susunod na buwan ng Oktubre.

Ito ay makaraang lagdaan ni QC Mayor Herbert Bautista ang naaprubahang ordinansa ng QC Council na iniakda ni QC Councilor Voltaire Godofredo Liban III na nagkakaloob ng P5,000 bonus sa bawat regular employees at P3,000 naman sa contractual employees.

Ang naturang ordinansa na nilagdaan ni Bautista ay naglalaan ng P44.92 milyon para sa pagkakaloob ng bonus sa lahat ng mga manggagawa ng QC government­.

Sa October 12 idaraos ang Diamond Jubilee ng nasabing lungsod na binuo noong 1939 sa ilalim ng Commonwealth Act No. 502.

Ang pagkakaloob ng bonus ay bilang pagkilala ng lokal na pamahalaan sa naging tulong ng mga ito na mapasigla ang ekonomiya ng QC.

Show comments