MANILA, Philippines – Aabot sa 60 kababaihan na tinaguriang women traffic auxiliary ang ipinakalat ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga kritikal area o matrapik na lugar ng kahabaan ng EDSA.
Ayon kay Crisanto Saruca, hepe ng MMDA Traffic Disciplne Office, tinawag ang grupo na Task Force EDSA Lady Auxiliary Platoon.
Nabatid, na mas responsable ang mga kababaihang enforcer kaysa mga kalalakihan.
Layunin umano ng deployment ng task force enforcer ay upang pigilan ang mga nasasangkot sa pangongotong sa mga motorista dahil mas nirerespeto ang mga ito kaysa sa mga kalalakihang enforcer.
Nilinaw ng opisyal na ang mga ito ay sumabak sa masusing pagsasanay subalit hindi sila inisyuhan ng paniket at ang kanilang trabaho lamang ay magmantina ng daloy ng trapiko sa kahabaan ng EDSA at hindi sila pwedeng manghuli ng lumalabag sa batas trapiko.