Lalaki hulog sa 2nd floor ng bahay, lasog

MANILA, Philippines - Patay ang isang lalaki makaraang aksidenteng mahulog sa ikalawang palapag habang siya ay naglilinis sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Sa ulat ni SPO1 Kingly James Bagay ng Police Station 7 ng QCPD, nakilala ang biktima na si Ysmael Colmenar, 53, na nagawa pang maisugod sa ospital pero hindi na umabot­ pa ng buhay.

Ayon kay Bagay, nangyari ang insidente sa bahay ng biktima sa J.P. Rizal, Brgy. San Roque, Cubao, ganap na alas-9:15 ng umaga­. Diumano, kasalukuyang nagkukumpuni ang biktima sa 2nd floor ng nasabing bahay nang aksidenteng madulas ito at mahulog.

Isinugod  pa ang biktima sa Labor Hospital subalit idineklara din itong dead-on-arrival.

Show comments