Miyembro ng ‘Sputnik’, itinumba
MANILA, Philippines - Patay ang isa umanong miyembro ng sputnik makaraang pagbabarilin sa lungsod Quezon, kahapon ng madaling-araw. Ayon kay PO3 Anthony Tejerero, wala silang nakuhang pagkakakilanlan sa biktima na nasa edad na 25-30, nakasuot ng kulay itim na t-shirt, at itim na short pants, may tattoo na sputnik sa ibabang bahagi ng kanang kili-kili at Julie sa kanyang dibdib. Sabi ni Tejerero, ang biktima ay natagpuan sa may kahabaan ng Mindanao Avenue corner Arty 1, Brgy. Talipapa, ganap na ala-1 ng madaling-araw. Sa pagsisiyasat ang biktima ay nagtamo ng dalawang tama ng bala sa bahagi ng kanyang puwitan at kanang pisngi. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing insidente.
- Latest