2 salvage victim natagpuan

MANILA, Philippines - Dalawang lalaki na hinihinalang biktima ng summary execu­tion ang itinapon ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa gilid ng kalsada sa Camarin, Caloocan City, kamakalawa ng madaling-araw.

Isa sa mga bangkay ang nakilala na si Gerry Abaygar, 42, ng Lansones Street, Brgy. San Vicente Ferrer, Camarin, habang inilarawan naman ang isa pang biktima na may taas na 5’7”-5’8”, nasa pagitan ng 30-35 anyos, may tattoo na “Sputnik” sa kanang braso, pangalang “Phillip Randy at Velarde J Boy Sta. Maria” sa kanang pigi.

Sa inisyal na ulat ng Caloocan Police, dakong alas-2:30 ng madaling-araw nang madiskubre ng mga residente ng Zapote Road, Camarin, ang bangkay ng dalawang biktima na itinapon sa gilid ng kalsada. Nabatid na may tama ng bala sa ulo ang mga biktima na posibleng pinahirapan muna bago pinaslang.

Sa loob ng punerarya, kinilala ng misis na si Lea ang mister na si Abaygar na huli umano niyang nakitang buhay noong Agosto 10 pa. Blangko pa naman ang pulisya sa motibo sa likod ng krimen habang wala ring nais lumantad na saksi para makatulong sa imbestigasyon.  Inaalam na lamang ngayon ng pulisya ang background ng dalawang biktima upang makakuha ng posibleng lead.

Show comments