^

Metro

2 holdaper utas sa off-duty na pulis

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kahit hindi naka-duty ay nagampanan pa rin ng isang pulis ang kanyang trabaho matapos mapatay ang dalawang holdaper sa Quezon City kagabi.

Ayon sa ulat, tinangkang holdapin ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek ang Orange Fuel Gas station sa kahabaan ng Quirino Highway.

Sakay ng motorsiklo ang mga suspek, nagpanggap ang dalawa na customer bago nilapitan ang kahera at tinutukan ng baril.

Sakto namang nagpapakarga rin si Police Officer 2 Cesar Tolentino sa naturang gas station kaya natimbrehan ng gasoline boy sa nangyayaring holdapan.

Nilapitan ni Tolentino, na nakadestino sa Station Investigation Division Management Section ng Caloocan City Police Station, ang mga suspek upang pasukuin ngunit tumakas ang dalawa.

Nauwi sa palitan ng putok ang eksena at sa huli ay natamaan ang dalawang suspek na isinugod pa sa ospital ngunit kalauna'y binawian din ng buhay.

Nabawi mula sa mga suspek ang isang kalibre .38 na revolver na kargado ng apat na bala.

AYON

CALOOCAN CITY POLICE STATION

CESAR TOLENTINO

KAHIT

NABAWI

ORANGE FUEL GAS

POLICE OFFICER

QUEZON CITY

QUIRINO HIGHWAY

STATION INVESTIGATION DIVISION MANAGEMENT SECTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with