Kotse nahulog mula sa 3rd floor ng Greenhills parking area

MANILA, Philippines – Sugatan ang isang 73-anyos na lalaki matapos mahulog ang kanyang sasakyan mula sa ikatlong palapag ng isang parking area sa San Juan City ngayong Biyernes.

Isinugod sa ospital si Juanito Nocos matapos mawala ng kontrol sa kanyang sasakyan dahilan upang mahulog mula sa ikatlong palapag ng parking area ng Greenhills Shopping Center.

Nabagsakan ng kotse ni Nocos ang isang gray na van at isang gray na Toyota Fortuner.

"We apologize for the inconvenience that this may have caused some of our shoppers," pahayag ng Greenhills Shopping Center.

"The management is currently coordinating with the San Juan local authorities to get a more detailed account of what took place, while reaching out to several other affected vehicle owners," dagdag nila.

Samantala, masuwerte namang nakalabas na ng sasakyan ang driver ng Fortuner.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.

Show comments