Bebot ginilitan

MANILA, Philippines - Laslas ang leeg at may mga saksak sa katawan  ang isang  hindi pa nakikilalang babae nang matagpuan ito sa  Isla Puting Bato sa Tondo, Maynila.

Inilarawan ang biktima na nasa edad  25-30, may taas na 5’2’’, hanggang balikat ang buhok, nakasuot ng kulay puting sleeveless na blouse at kulay itim na short pants.

Ayon kay SPO1 Richard Escarlan, ng Manila Police District-Homicide Section,  dakong alas-9 ng gabi nang makita ang biktima sa harap ng isang bahay sa Purok 1, Isla Puting Bato, Tondo, Maynila.

Sinabi ni  Escarlan na nakitaan din ang biktima ng  defense wound sa kamay  na indikasyon na nanlaban ito. Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa krimen. Dinala ang bangkay sa Saint Rich Funeral para sa awtopsiya at safekeeping.

Show comments