Nalulong sa droga, hinikayat magparehab

MANILA, Philippines - Sa layuning maitaguyod ang mas ligtas at drug free ang mga komunidad, hinikayat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga drug users na boluntaryong magpagamot o magpasalang sa rehabilitasyon.

“Drug dependents should seek voluntary rehabilitation with the aim of weaning themselves away from dangerous drugs and getting reintegrated into society as law-abiding and productive citizens,” ayon kay PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr.

Inihalintulad ni Cacdac ang istorya ng showbiz actor na JM de Guzman na matapos anya ang mahigit sa isang taon  wala sa limelight, ay muling bumalik sa kanyang pag-arte kasabay ng hayagang pag-amin na nagparehab siya matapos na mahumaling sa ipinagbabawal na gamot.

Kaya simula anya ng kanyang pagbalik, nakakuha si De Guzman ng bagong perspektibo at matatag na pagtanggap sa maliit na bagay sa buhay, at makita ang daan patungo sa hinaharap.

Show comments