Paparetirong bumbero, nagbaril sa sarili?

MANILA, Philippines - Inaalam pa kung nagpatiwakal o sadyang binaril ang isang 53-anyos na bumbero  na natagpuang nakabu­lagta sa loob ng Manila Fire Bureau-­San Lazaro Station sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng umaga.

Naisugod pa ng mga ka­samahang bumbero sa kalapit na Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang biktimang si SFO3 Raul Cortez, ng Calamba St., Sam­paloc, Manila subalit  idineklarang  dead-on-arrival­ sanhi ng tinamong-isang tama-ng bala ng baril sa dibdib mula sa 22 magnum.

Sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-8:00 ng umaga nang biglang nakarinig ang iba pang naka-duty na bumbero ng putok at nang ting­nan ay nakitang naka­handusay si Cortez sa ground floor ng nasabing fire station.

Sa inisyal na pagsisiya­sat, walang nakitang foul play at binubusisi kung ito ay nagbaril sa sarili sa hinalang problema umano nito ang ma­tagal na promosyon  para sa ranggong “SFO4” na hindi pa nakakamit sa kabila na malapit na itong magretiro.

Show comments