‘Dagdag-bawas’ sa presyo ng petrolyo

MANILA, Philippines - Muling magpapatupad ng ‘dagdag-bawas’ sa presyo ng kanilang produktong petrolyo­ epektibo  bukas (Lunes, Agosto 4).

Ang dagdag-bawas pres­yo ay pinangunahan ng Flying V at ipatutupad ito alas-12:00 ng madaling araw.

Magkakaroon nang pag­bawas sa presyo ng kanilang gasolina, na ito ay nasa  P0.90 kada litro­  habang tataas naman ng P0.40 ang kada litro ng kanilang diesel o krudo.

Ayon sa naturang oil company ang kanilang hakbangin ay bunsod aniya nang paggalaw ng presyo ng produktong petrolyo sa world market­.

Hindi pa nag-aabiso ang iba pang kompanya, na malamang na sumunod na rin ang mga itong magpatupad ng dagdag-bawas presyo.

Matatandaan na huling nagpatupad ng pagtapyas ng mga produktong petrolyo noong ika-limang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III Hulyo 28 ng taong kasalukuyan.

Show comments