Recruiter ng kulto, inatado

MANILA, Philippines - Pinatay ang isang construction worker ng kanyang ka­samahan dahil sa umano’y pagre-recruit ng una upang sumali sa kulto sa Port Area, Manila, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa Gat Andres Bonifacio Memorial and Medical Cener si Angelito Marinez, ng Baseco Compound, Port Area, sanhi ng tinamong saksak sa dibdib. Kasalukuyan namang nakapiit sa Manila Police District-Homicide detention cell si Rogelio Ravallo, 50, ng nasabi ring lugar.

Sa report ni Det. Rogelio Lingcong ng MPD-Homicide Section, dakong alas-6:40 ng gabi nang maganap ang insidente sa Baseco Cmpd., Port Area. Pinipilit umano ng biktima na sumapi sa kulto ang suspect at nang hindi pumayag ang huli ay pinagtulungan umano itong gulpihin ng una at dalawa pang kasamahan. Nakapa naman umano ng suspek ang nakasukbit niyang patalim kaya pinagsasaksak ang biktima habang ang kasamahan nito ay nakatakbo. Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon sa naganap na krimen.

 

Show comments