9 brgy. sa QC, isinailalim sa mandatory drug test

MANILA, Philippines - Siyam na barangay sa lungsod Quezon  ang isinailalim sa mandatory drug test kung saan 19 ang nagpositibo sa droga.

Sinabi ni QC Vice Mayor Joy Belmonte na siyang Chairman ng QC Anti-Drug Abuse Advi­sory Council (QCADAAC), siyam na barangay pa lamang ito sa 142 ba­rangay na kanilang iikutin para matiyak na drug-free community ang lungsod.

Sa 19 na nagpositibo sa droga ay mula anya sa 584 na staff at opis­yal ng 9 na ba­rangay na kanilang napuntahan kabilang ang Brgy. Dama­yan, Sto. Cristo, St. Peter sa District 1, Amihan at Ba­gumbayan sa District 3 at Valencia at Paang Bundok sa District 4 at  Kaligayahan at Gulod sa District 5.

“Ito po ay patuloy at ba­hagi ng ating advocacy towards a drug-free community. Ito pong mga nagpositibo sa drugs ay e-evaluate natin para ma­tiyak na occasional ba ang paggamit ng droga o gumon na sa paggamit ng illegal drugs,” pahayag ni Belmonte.

Sinabi pa nito na kung bago pa lang guma­gamit  ng illegal drugs ay isasa­ilalim ito sa counselling  sa anti-drug treatment and rehabilitation center sa lungsod para maturuan kung paano maiiwasan ang paggamit ng droga  at yung mga adik na sa droga­ ay isa­sailalim sa anim na buwang rehabilitasyon. 

“Pati po yung mga ma­­gulang, mga guardian ng mga nagpopositibo sa illegal drugs ay kinukumbinse po natin na su­mailalim din sila sa coun­selling para pare- parehong malaman kung paano maiiwasan ng mga anak ang paggamit ng illegal drugs, ano ang dahilan ng addiction at ang rehabilitation na gina­gawa natin sa kanila ay hindi parang mga preso kundi kinakalinga sila at more compassionate approach natin towards drug ad­diction,” dagdag ni Belmonte.

 

Show comments