^

Metro

Miyembro ng ‘Commando’, itinumba

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang miyembro ng ‘Commando gang’ ang pinagbabaril ng anim na kalalakihan hanggang sa mapatay sa kabila umano ng pagmamakaawa ng una sa mga huli sa lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat ni PO2 Jogene Hernandez, ang biktima na ang tanging pagkaka­kilanlan ay ang kanyang tattoo na Commando sa kanang hita at “Robert” sa katawan ay nasa pagitan ng edad na 20-25, may taas na 5’5’’, may kapayatan, at nakasuot ng sando at short pants.

Ang mga suspek naman na lulan ng kani-kanilang mga motorsiklo agad na nagsipagtakas makaraan ang krimen.

Nangyari ang in­sidente sa may kahabaan ng Kalapati St., corner Sto Niño St., Brgy. Holy Spirit, ganap na alas-3:05 ng madaling-araw.

Ayon sa isang saksi, bago ang insidente, ilang metro ang layo mula sa kanyang lugar, narinig na lang umano niya ang isang lalaki na nagmamakaawa sa ilang kalalakihan.

Matapos nito, ilang putok ng baril ang umali­ngawngaw mula dito, kasunod ang mga pag­harurot ng limang mga motorsiklo hanggang sa makita niya ang biktima na duguang nakahandusay sa lugar.

Agad na ipinagbigay alam ng saksi ang insidente sa barangay na siya namang tumawag ng awtoridad para sa imbestigasyon.

Ayon naman sa ba­rangay, tanging alyas Oca lamang ang pagkakilala nila sa biktima dahil bihira lamang itong umistambay sa kanilang lugar.

Patuloy ang imbestigasyon ng otoridad sa nasabing insidente.

AYON

BRGY

HOLY SPIRIT

ISANG

JOGENE HERNANDEZ

KALAPATI ST.

MATAPOS

STO NI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with