Ginang lasog sa trak

MANILA, Philippines - Isang ginang ang nasawi makaraang ma­atrasan ng isang trak sa Valenzuela City, kama­kalawa ng hapon.

Nakilala ang nasawi na si Maria Luz Bayatan, 43, ng Doneza St., Brgy. Canumay West ng nabanggit lungsod.

Sa ulat ng Valenzuela Police, minamaneho ng suspek na si Joey Coz, 45, ang Isuzu Elf truck (REJ-773) dakong ala-1 ng hapon nang mawalan ng preno dahilan para  umatra­s ang sasakyan dahil sa paahon ang kalsada.

Iniwasan ng suspek ang kasunod na Isuzu closed-van ngunit tuluy-tuloy na naatrasan naman ang naglalakad na si Baya­tan na nakaladkad pa ng trak. Mabilis na isinugod sa Valenzuela Ge­neral Hospital si Bayatan ngunit hindi na naisalba ang buhay nito habang mabilis na naaresto naman si Coz.  Nahaharap ito ngayon sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.

 

Show comments