Senglot itinumba sa tindahan

Sinusuri ng mga tauhan ng MPD-Homcide Section at Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang duguang katawan ni Melencio Serrano na pinagbabaril ng di-kilalang lalaki sa harap ng tindahan sa Parola compound sa Binondo, Manila­ kahapon ng madaling-araw. Kuha ni BENING BATUIGAS

MANILA, Philippines - Pinabulagta ang 42-an­yos na senglot makaraang pagbabarilin ng di-kilalang lalaki sa harap ng tindahan  sa Parola Compound, Binondo sa Maynila kahapon ng madaling-araw.

Dalawang bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Melencio “Nonoy Tahi” Serrano­ ng #0420 Gate 54, Area B sa Parola compound sa na­banggit na lugar.

Sa ulat ni SPO3 Glenzor Vallejo ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-4:15 ng madaling araw nang lapitan at ratratin ang biktima sa harap ng tindahan sa Gate 54 Area B.

Napag-alamang lango sa  alak ang biktimang nagla­lakad pauwi kasama ang kaibigang si alyas “Dodong” nang biglang harangin at pagbabarilin.

Duguang bumagsak ang­ biktima subalit muling pi­­na­putukan ng gunman upang masigurong hindi na mabubuhay.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, wala namang atraso ang biktima sa nasabing lugar.

 

Show comments