^

Metro

Bus nagliyab sa SLEX

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -Nagdulot nang pagsisikip ng daloy ng trapiko sa ilang bahagi ng south-bound lane ng South Luzon Expressway (SLEX) ang nagliyab na isang pampasaherong bus, kahapon ng umaga sa Pasay City.

Ayon sa report na natanggap ng SLEX Corporation, isang pampasaherong bus na may plakang TWD-648 ang nagliyab.

Nabatid na sa bandang Santolan, Quezon City pa lamang ay nakaamoy na ang driver at pasahero ng kaka­ibang amoy sa likurang bahagi nito.  Dahil dito, pinababa na ang mga pasahero para sa kanilang kaligtasan. Pagsapit ng bus sa may service road area ng Nichols, Pasay City pasado alas-5:00 ng umaga ay tuluyan na itong  nagliyab.

Mabuti naman at ka­agad nakalabas ang driver at konduktor at wala namang napa­ulat na may nasugatan sa in­sidente, gayunman  nagdulot lamang ito ng pagsisikip ng daloy ng trapiko sa ilang bahagi ng south-bound lane ng SLEX. Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang insi­dente kung ano ang dahilan kung bakit nagliyab ang naturang bus.

AYON

DAHIL

INIIMBESTIGAHAN

NABATID

NAGDULOT

NICHOLS

PASAY CITY

QUEZON CITY

SOUTH LUZON EXPRESSWAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with