Driver binoga patay??

MANILA, Philippines - Patay ang isang taxi driver makaraang barilin ng isang lalaki habang ang una ay nakatayo malapit sa kanyang ba­hay sa lungsod Quezon, kamakalawa.?

Dead on the spot si Nepthalie Escolano, 35, ng Bgy. Pasong Putik dahil sa dalawang tama ng bala sa kanyang ulo, ayon kay PO2 Erick Isidro, may-hawak ng kaso.?

Ang salarin na nakasuot ng itim na jacket at itim na sombrero ay agad namang tumakas makaraang isagawa ang krimen.?

Sa ulat ni Isidro, nangyari ang insidente sa compound na tinutuluyan ng biktima sa Block 38, Lot 16, Ilang-Ilang St., Bgy. Pasong Putik.? 

Ayon sa testigo, na­nonood siya ng TV  nang makarinig ng da­lawang putok ng baril at nakita niyang nakahandusay  ang biktima  na may tama sa ulo habang agad na tumakas sa lugar ang suspek.

Narekober sa crime scene ang dalawang basyo ng bala ng kalibre 45 at isang tingga nito.?

Patuloy ang imbes­tigasyon ng otoridad sa nasabing insidente.

 

Show comments