Hapones hinoldap ng tandem
MANILA, Philippines - Isa na namang Japanese national ang nabiktima ng riding in tandem na holdaper kung saan natangay dito ang cash at iba pang gamit na umaabot sa P160-libo at mga mahahalagang dokumento, sa Ermita, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Sa pagdulog sa Manila Police District-General Assignment Section, sinabi ng biktimang si Tanaka Koji, 47, pansamantalang nanunuluyan sa Room 1003 City State Hotel, Mabini St., Ermita, na kahit hindi na maibalik ang cash, mahalaga lamang umanong maibalik ang mga importanteng dokumento at handa siyang magbigay ng pabuya para maibalik ito sa kanya.
Dakong alas-7:30 ng gabi nang maganap ang insidente habang ang biktima ay naglalakad sa Sta. Monica St. malapit sa Roxas Blvd. nang agawin umano ang bag nito ng riding-in-tandem na suspect lulan ng motorsiklong walang plaka.
- Latest