2 hulog mula 8th floor, lasog

MANILA, Philippines - Dalawang maintenance ang nasawi makaraang bumagsak  ang tinutungtungan   nilang spider lift  habang nagku­kumpuni sa isang bahagi ng arena ng isang mall, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Dead-on-arrival sa San Juan De Dios Hospital ang mga biktimang sina Ronaldo Caballero, 29  at  Segrid Puntalan Jr.,  28, kapwa naninirahan  sa  Indese  Compound Road 12,  Santa  Mesa, Manila  at maintenance sa naturang establisimiento sanhi ng tinamong   matinding pinsala  sa ulo at sa katawan.

Batay sa report na natanggap  ni Police Chief Inspector Angelito De Juan, hepe ng Station Investigation and Detective Management Branch ng Pasay City Police,  alas-7:00 ng gabi ng maganap ang insidente sa  arena ng isang mall sa Macapagal Avenue ng naturang lungsod.

Kinukumpuni ng mga biktima ang  LED Mesh na may taas na walong palapag  nang magka-aberya ang kinalalagyan nilang taklobo (spider lift) dahilan upang bumagsak ito.

Kaagad namang   isinugod ang mga biktima sa nasabing pagamutan,  subalit hindi na ito umabot ng buhay.

Show comments