^

Metro

‘Mafia’ sa BI ibinunyag

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ibinunyag ng Korean Association of the Philippines (KAP), isa sa mga malalaking grupo ng mga dayuhan sa bansa, ang umano’y pagkakaroon ng iligal na aktibidades ng isang law firm kung saan sangkot ang ilang opisyal ng Bureau of Immigration.

Ayon sa KAP, umaapela sila kay Immigration Commissioner Siegfred Mison na siyasatin ang umano’y ‘mafia-like operation’ ng law firm na mariing kinokondena ng mga Korean businessmen na umano’y sangkot sa blackmail at extortion.

Nais ng negosyanteng si Kang Tae Sik na makaharap si Mison­ matapos umanong isagawa ng law firm at mga ko­neksiyon nito sa BI ang deportation ni Kang gamit ang mga pekeng kaso na ibinasura ng Pasig City Metropolitan Trial Court Branch 69.

Nabatid na nagawa umano ng law firm na ma-take over ang  negosyo ni Kang na import export. Si Kang ay 27 taon nang  nagnenegosyo sa bansa.

 “If they do not want to discourage well-meaning investors to come to the Philippines and start business, the government must protect them from this kind of harassment,” ani Kang.

AYON

BUREAU OF IMMIGRATION

IBINUNYAG

IMMIGRATION COMMISSIONER SIEGFRED MISON

KANG TAE SIK

KOREAN ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

MISON

PASIG CITY METROPOLITAN TRIAL COURT BRANCH

SI KANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with