MANILA, Philippines - Bangkay na nang maÂtagpuan kahapon ng umaga ang isang apat na taong gulang na batang babae na iniulat na nawawala nitong Sabado ng gabi, habang palutang-lutang sa isang sapa sa Quezon City, kahapon ng umaga.
Sa impormasyong ibiÂnigay ni SPO4 Rafael de Peralta ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District, ang biktima ay nakilaÂlang si Angel Siren Aquino, residente ng Seminary Road, Brgy. Bahay Toro sa lungsod.
Natagpuan ang biktima ng residenteng si Rowena Estrelado, habang ito ay palutang-lutang sa may Dario Creek, sa Sitio InciÂnerator ng nasaÂbing BaÂrangay Bahay Toro, alas-6:30 ng umaga.
Sa pagsisiyasat ni PO2 Julius Balbuena, alas 6 ng gabi ng Sabado nang ireport ng kanyang nanay na si Nancy Reyen Darang sa otoridad ang pagkawala ng biktima.
Huling nakita umano itong buhay habang naglaÂlaro sa harap ng kanilang bahay, hanggang sa hindi na ito makita at makita kiÂnabukasan, pero isa nang malamig na bangkay
Namamaga na ang bibig nito ngunit kumpleto pa naman ang saplot sa katawan.
Patuloy ang imbestigahan ng pulisya upang mabatid ang tunay na nangyari sa paslit.