MANILA, Philippines - Muli na namang umatake ang isang dinismis na pulis na bumibiktima sa mga daÂyuhan sa Ermita, Manila kung saan isa na namang 74-anyos na Japanese tourist ang kanyang biniktima.
Kinilala ng biktimang si Yamuo Nabazaki, ang larawan ng dinismis na si PO1 Reggie Dominguez makaraang magharap ng reklamo ang una laban sa huli.
Ayon kay PO3 Jayjay Jacob, ng MPD-GeÂneral Assignment Section, maÂraming mga turistang daÂyuhan ang nagharap ng reklamong ‘hulidap’ laban kay DoÂminguez.
Modus umano ng suspect na pulis na lalapitan ang mga turistang dayuhan suot ang kumpletong uniporme ng pulis at saka kakasuhan ng kung anu-ano.
Dito na umano hihingi ng pera ang pulis kapalit ng kanilang kalayaan.
Ayon pa kay Jacob, si Dominguez ay dating nakaÂdestino sa MPD-Police Station 9 bago ito nadismis sa mga kasong robbery at usurpation of authority.
“Lahat kaming imbesÂtigador dito may kaso siya na puro foreigner ang biniÂbiktima. Wanted na nga siya,†dagdag pa nito.
Ayon sa biktimang si Nabazaki, umiinom siya ng beer sa labas ng isang convenience store sa MaÂlate nang lapitan siya ni Dominguez dakong alas- 11:30 ng gabi.
Puwersahan umanong pinasakay ni Dominguez ang dayuhan sa kanyang Toyota Revo (XLX-636 at doon kinulimbatan ng P6,000 at 30,000 Yen.