MANILA, Philippines - Patay ang isang 56-anyos na lalaki habang tatlo pa ang sugatan nang ma-hit and run, kamakalawa sa harap ng Bureau of Immigration sa Intramuros, Maynila.
Dead-on-the-spot si Ruben Cabutaje, ng Cabesa St., Tondo, Maynila habang sugatan naman sina Godwin Sarad, 40, ng Molino 6, Bacoor, Cavite; Jhonny Delao, 38, ng San Antonio Parañaque City at John Lizaso, 55, ng Sauyo, Quezon City.
Naglalakad ang mga biktima nang mabundol ito ng sasakyang hindi naplakahan na patungong Pier South.
Nagsasagawa naman ng follow-up operation ang mga awtoridad upang matukoy ang sasakyan at mapanagot ang may ari nito.